Pickup truck, nahulog sa seawall sa Quezon

Nahulog sa seawall ang isang pickup truck sa Gumaca, Quezon.

Ayon sa mga otoridad, sugatan ang tatlong sakay ng trak.

Naisugod naman ang mga biktima sa ospital.

Sakay ng trak ang asawa at tatlong anak ng driver.

Ayon sa Gumaca Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, nahanap ang insidente kaninang 2:30 ng madaling araw sa Maharlika Highway sa bahagi ng Barangay Camohaguin.

Nagmula sa Bicol ang mga bitkima na pabalik na sa Maynila.

Ayon sa pulisya, nakatulog umano ang driver ng truck dahilan para mahulog sa seawall.

Read more...