Babae, dinukot ng mga armadong grupo sa Zamboanga Sibugay

Dinakip ng armadong grupo ang isang babae sa Malangas, Zamboanga Sibugay.

Kinilala ang biktima na si Laarni Bandi, sekretarya ng Celebes Marine Product.

Ayon sa mga otoirdad, dinukot ng pitong armadong lalaki si Bandi sa kanyang boarding house dakong alas-6:30 kagabi.

Kwento ng mga saksi, isinakay ng grupo ang biktima sa dilaw na bangka tungo sa direksyon ng Muyong Islang.

Tinutugis na ng militar ang mga suspek.

Read more...