Pulis arestado dahil sa paglalaro ng baccarat sa City of Dreams

Inquirer Photo | Dexter Cabalza

Arestado ang isang pulis dahil sa paglalaro ng baccarat sa loob ng isang hotel and casino sa Parañaque City.

Iniharap sa media ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Dir. Oscar Albayalde aang nadakip na pulis na si Supt. Adrian Antonio, 35 anyos.

Inquirer Photo | Dexter Cabalza

Si Antonio ay nahuling naglalaro ng baccarat sa City of Dreams alas 10:55 ng gabi ng Martes.

Ipinakita pa ni Albayalde sa media ang larawan kung saan kitang-kita ang paglalaro ng pulis ng baccarat.

Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagbabawal sa mga government officials na maglaro o kahit pumasok man lang sa mga casino.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...