Ceasefire agreement dapat nang lagdaan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF

File Photo | Sec. Jess Dureza

Hinikayat ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang pamahalaan at CPP-NPA-NDF na pagkasunduan na kaagad ang tigil-putukan para sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan.

Ayon sa mambabatas ito ay upang muling masimulan ang peace talks kung saan ito naputol matapos suspindehin ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Nobyembre ng nakalipas na taon.

Sinabi ng mambabatas na dapat ba ring malagdaan ang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms o CASER.

Ito anya ang posibleng sumagot sa pinaniniwalaang dahilan ng pag-aalsa ng mga rebelde.

Umaasa naman ito na muling maghahanap ang dalawang panig ng negotiating table ng walang preconditions.

Samantala, ikinalugod din ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao ang pagababago ng isip ng pangulo para sa peace talks pero duda naman ito na posibleng pinalulutang lamang ni Duterte ang usapang pqngkapayapaan dahil sa pagkundina ng iba’t-ibang sektor.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...