Biyahe ng LRT-2 dalawang beses nagka-aberya

Nakapagtala ng dalawang magkasunod na aberya sa biyahe ng LRT line 2, Miyerkules ng umaga.

Unang naranasan ang aberya bago mag-alas 11:00 ng umaga. Nag-tweet ang ilang mga pasahero at sinabing hindi operational ang buong linya ng LRT-2.

Ayon naman sa official twitter account ng LRT-2, alas 11:03 ng umaga nang maging normal na muli ang operasyon ng tren.

Pero bago mag-alas 12:00 ng tanghali, muling nakaranas ng aberya sa biyahe ng tren.

Sa kaniyang post, sinabi ni LRTA Board Secretary at Spokesperson Atty. Hernando Cabrera na itinaas ang code red sa LRT at sinuspinde ang buong operasyon nito.

Pagkatapos naman ng ilang minuto, sinabi ni Cabrera na inalis na ang pag-iral ng cod red at muling naibalik sa normal ang biyahe.

Ang LRT-2 ay bumabagtas sa Santolan hanggang Recto at pabalik.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...