Ito ang sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, sa gitna ng mga balitang mayroong sisibakin o ‘di kaya naman ay magbibitiw na miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte,
Ayon kay Guevarra, sa ngayon, walang natatanggap na resignation letter ang Office of the President mula kay Aguirre o kay Bello.
Sa katunayan sinabi ni Guevarra na kapwa imbitado sina Aguirre at Bello sa magaganap na cabinet meeting ngayong araw.
Ani Guevarra, totoo namang nadismaya ang pangulo sa pagkakabasura ng illegal drugs cases laban kay Kerwin Espinosa, Peter Lim at iba pa at hindi itinago ni Pangulong Duterte ang kaniyang damdamin hinggil dito.
Pero sa ngayon, sinabi ni Guevarra na sa kaniyang pagkakaalam ay wala namang mangyayaring cabinet revamp sa administrasyon.