Ayon kay Quezon police director Senior Supt. Rhoderick Armamento, aabot sa P42,000 halaga ng pitong gramo ng shabu ang nakiumpiska sa dalawang magkahiwalay ma operasyon.
Sa Lucena City, inaresto sina Rachelle Encina, Renante Reyes Jr. at Michael Quiozon matapos magbenta ng shabu sa isang undercover police.
Naganap ito dakong alas-10:45 kagabi sa Barangay Dalahican.
Narekober sa kanila ang apat na plastic sachet ng shabu na may bigat na limang gramo.
Ayon sa pulisya, bagong tulak ng droga ang tatlo sa coastal village kung saan tricycle drivers at mangingisda ang ilan sa kanilang mga kliyente, batay na rin sa drug surrenderees at mga myembro ng Community Mobilization Program.
Samantala, sa buy-bust operation sa Candelara, arestado sina Charito Lat at Ma. Cristina Magnaye. Nakuha sa kanila ang 1.95 gramo ng shabu.
Ayon sa pulisya, una nang inaresto si Magnaye dahil din sa iligal na droga. Sina Lat at Magnaye ay nasa drug watchlist ng gobyerno.