Kapitan ng barangay patay sa pananambang sa North Cotabato

Patay sa pananambang ang isang kapitan ng barangay at isang barangay tanod sa Carmen, North Cotabato.

Nakilala ang mga biktima na sina Joaquin Sardon Segumban, kapitan ng Barangay Tonganon, at barangay tanod na si Joey Gamotia Gamaricha.

Ayon kay Chief Inspector Julius Malcontento, hepe ng pulisya ng Carmen, pinagbabaril ang dalawa dakong alas-2:30 kahapon sa Sitio Galay, Barangay Kibayao.

Ayon kay North Cotabato Scene of the Crime Operatives (SOCO), nagtamo ng siyam na tama ng bala si Segumban habang lima naman ang natamong tama ng bala ni Gamotioa.

Patungo sana ang dalawa sa Barangay Poblacion sakay ng isang multicab nang pagbabarilin sila ng dalawang suspek gamit ang kalibre 45 na pistol.

Ayon kay Senior Supt. Maximo Layugan, acting North Cotabato police director, posibleng pulitikal ang motibo sa insidente.

Read more...