NDFP bukas na bumalik sa peace talks – Joma Sison

File Photo from Sec. Jess Dureza

Sinabi ni Communist leader Jose Maria Sison na bukas pa rin at handa ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa pagbabalik sa negotiating table at makipag-usap sa pamahalaan.

Ginawa ni Sison ang pahayag matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto niyang magbalik ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng komunistang grupo.

Ayon kay Sison, matapos ang anunsyo ng pangulo, inaasahan nilang muling mag-uusap ang negotiating panels ng gobyerno at NDFP.

Siniguro din ni Sison na sila ay sinsero sa pakikipag-usap sa pamahalaan.

Kasabay nito, pinaalalahanan ni Sison ang gobyerno hinggil sa naging pangako nitong palalayain ang lahat ng political prisoners.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...