Suspek sa kasong murder arestado sa Pagadian City matapos ang 3-taon na pagtatago

Arestado ang isang lalaking tatlong taong nagtago nang akusahan ng pagpaslang sa kapitbahay nito sa Pagadian City.

Kinilala ang suspek na si Roy Mamaling.

Ayon kay Supt. Benito Recopuerto, hepe ng pulisya sa lungsod, inilunsad nila ang operasyon laban kay Mamaling makaraang makumpirmang siya ay nasa Purok Esmeralda, Barangay San Jose.

Si Mamaling ay ika-9 sa most wanted ng Zamboanga del Sur dahil sa pagtatago sa pagkaaresto mula 2015.

Umalis ang suspek sa bayan ng Dimataling matapos umano patayin ang kapitbahay na si Perfecto Dagyagnao.

Ayon kay Recopuerto, si Mamaling ay nahaharap sa kasong murder.

 

 

 

Read more...