Ayon kay PAO chief Persida Acosta, natapos na ang histopathological exam na isinagawa ng pathologists sa ilang nabiktima ng Dengvaxia vaccine.
Sinabi ni Acosta na pangangalanan nila sa mga kaso ang mga pinaniniwalaan nilang tiyak na responsable umano sa mga pagkasawi ng mga batang naturukan ng bakuna sa dengue.
Gayunman, ani Acosta, mayroon ding mga akusadong hindi muna papangalanan habang nakabinbin pa ang mga dokumento kaugnay nito.
Matatandaang nagsampa ng kasong kriminal ang Volunteers Against Crime and Corruption at Vanguard of the Philippine
Constitution Inc. laban kay dating pangulong Noynoy Aquino at ilang mga dating myembro ng kanyang gabinete kaugnayng Dengvaxia.