Kaso laban sa recruiter ni Joanna Demafelis, malabo pa ayon sa DOLE

INQUIRER File

Wala pang direktang ebidensya para mapanagot ang recruitment agency o ang mga nag-recruit kay Joanna Demafelis.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, posible hindi maparusahan ang mga recruiter Demafelis dahil sa ngayon waking direktang ebidensya na magpapatunay na may ugnayan ang Our Lady of Mt. Carmel E-Global Human Resources sa mga amo ng OFW.

Dahil dito, sinabi ni Bello na wala pang kasong kriminal o administratibo na maisasampa laban sa nasabing kumpanya.

Sa kabila nito sinabi ni Bello na naipatupad naman na ang pagkansela sa lisensya ng kumpanya, at naipasara na din ito dahil sa hindi pagtiyak sa maayos na kalagayan ng mga pinaalis na OFW.

Nakikipagtulungan din ang nasabing kumpanya sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

 

 

 

 

 

 

 

Read more...