1 patay, 4 sugatan sa insidente ng pamamaril sa loob ng YouTube headquarters sa California

Apat ang nasugatan at isinugod sa ospiral sa insidente ng pamamaril sa headquarters ng YouTube sa San Bruno, California.

Ayon sa ulat, nagpatupad ng lockdown sa YouTube headquarters makaraang may mamaril sa loob ng campus.

Agad din inilikas ang mga empleyado sa nasabing gusali at tinipon muna sa parking lot ng complex.

Kinumpirma naman ng San Bruno police na isang babae ang namaril sa lugar na kalaunan ay nasawi rin makaraang magbaril sa sarili.

Dahil sa insidente, maging ang katabing gusali ng YouTube headquarters na 23rd Regiment ng US Marine Corps ay isinailalim din sa lockdown.

Tinatayang nasa 1,700 na katao ang nagtatrabaho sa YouTube campus.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...