Pinoy arestado matapos barilin ang sariling anak sa Japan

Arestado ang isang Pilipino na nakabase sa Toyooka, Japan matapos nitong barilin gamit ang isang airsoft gun ang sariling anak.

Nakilala ang Pinoy na si Glenn Joevelle La Madrid, 23 taong gulang.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, umuwi ang asawa ni La Madrid sa bahay nito at nakita ang puro pasa at namamagang mukha ng kanilang 8 buwang gulang na anak noong nakaraang buwan.

Umamin naman ang suspek na binaril nito ang anak gamit ang airsoft gun dahil umano sa walang humpay nitong pag-iyak.

Read more...