Road repairs ng MMDA sa EDSA tuwing weekends magtatagal hanggang Nobyembre

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mas maraming road repairs pa ang kanilang isasagawa sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) tuwing weekends at magtatagal ang mga ito hanggang sa buwan ng Nobyembre.

Ayon kay Acting MMDA General Manager Jojo Garcia, magsasagawa ng repair ang private contractor ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa 170-kilometer stretch ng EDSA ngayong weekend, April 6 hanggang April 8.

Isasara ani Garcia ang isang bahagi ng southbound lane ng EDSA mula Eugenio Lopez Drive hanggang Scout Borromeo at muli lang madadaanan ng mga motorista simula sa Lunes, alas-5 ng umaga.

Ayon pa sa opisyal ang repair works ay magpapatuloy sa mas marami pang bahagi ng EDSA hanggang sa Pinatubo area sa lungsod Quezon sa mga susunod pang weekends hanggang November 2 o 4.

Iginiit ni Garcia na ang malawakang road repair ay bahagi ng maintenance project ng DPWH upang maisaayos ang nasirang pavement o palitada ng EDSA.

Mas lalawak umano ang pinsala kung mauunsyami pa ang pagkukumpuni.

Samantala, sinabi naman ng opisyal na istriktong ipinag-utos ni MMDA Chairman Danilo Lim na sundin ang schedule ng road repairs at inabisuhan din ang mga contractors na huwag maapektuhan ang trapiko sa pagkahambalang ng kanilang mga kagamitan.

Read more...