KZ Tandingan babalik sa ‘Singer 2018’

Hindi pa tapos ang laban sa ‘Singer 2018’ para kay KZ Tandingan.

Ito ay dahil babalik siya sa naturang programa para sa breakout round.

Sa kanyang Facebook page ay inanunsyo ni KZ na kakantahin niya ang ‘Anak’ ni Freddie Aguilar ngunit sa lenggwaheng Mandarin.

Matatandaan na noong February unang lumabas sa ‘Singer 2018’ si KZ at ginimbal niya ang lahat matapos nitong kantahin ang sariling rendition ng ‘Rolling in the Deep’ ni Adele. Makalipas ang isang buwan ay natanggal naman siya sa kompetisyon.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung ano ang mechanics para sa breakout round ngunit lumalabas na bibigyan nito ng ikalawang pagkakataon ang mga singer na nauna nang natanggal sa kompetisyon.

Nasa top two spots ng ‘Singer 2018’ sina Hua Chenyu at Jessie J.

Read more...