Babae patay sa pamamaril sa Taguig

INQUIRER File Photo

Dead on the spot ang isang babae matapos itong pagbabarilin sa Barangay Western Bicutan, Taguig City.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang babaeng biktima na nakasuot ng striped tshirt at maong na pantalon.

Kwento ng isang residente sa lugar, nakarinig lamang siya ng dalawang magkasunod na putok ng baril. Nang tingnan ang pinagmulan nito ay doon na niya nakita ang nakahandusay na katawan ng biktima.

Ayon naman sa mga kawani ng Barangay Western Bicutan, hindi nila kilala ang babae. Anila, posibleng napadaan lamang ito sa lugar at hindi residente ng naturang barangay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente at inaalam na rin ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng biktima.

Read more...