Sa isang pahayag, sinabi ni AFP Public Affairs Office chief, Lieutenant Colonel Emmanuel Garcia na napigilan nila ang mga pag-atake ng NPA sa mga lalawigan ng Quezon, Camarines Norte, Misamis Oriental, at Davao Del Norte.
Dagdag pa ni Garcia, limang mga miyembro ng NPA ang napatay dahil sa engkwentro at nakumpiska rin ng mga militar ang limang iba’t ibang mga baril, bukod pa sa anim na mga improvised explosive device (IED).
Kinundena naman ng AFP ang apat na mga pag-atake na isinagawa ng mga rebeldeng komunista sa Montevista, Compostela Valley; Davao City; Pigcawayan, Cotabato; at T’boli, South Cotabato sa kasagsagan ng Semana Santa.
Ani Garcia, ang mga ginawang pag-atake ng NPA, partikular ang pagsunog nito sa mga construction equipment sa Davao City, ay nagpakita ng pagiging anti-development at anti-progress ng grupo.
Aniya pa, nagpapakita rin ito ng tunay na kulay ng NPA bilang isang grupo na nagpapakalat ng takot sa mga mamamayan.