Sinabi ni Villanueva, Chair ng Senate Committee on Labor, na nasa final stage na sila sa paghahanda ng kanyang committee report para maisalang na ito sa plenaryo.
Ibinahagi nito na bagamat dumalo ang mga opisyal ng DOLE sa ilan sa kanilang mga pagdinig, hindi naman naging malinaw ang posisyon ng labor officials ukol sa isyu.
Gayunpaman, pagaaralan nila ang ilalabas na executive order ng Malakanyang dahil maaring laman na nito ang malinaw na panuntunan hinggil sa contratualization system sa sektor ng pagtatrabaho.
Giit ni Villanueva nais lang nilang masiguro na ang anumang panukalang batas na ibubunga ng mga isinagawang pagdinig ay magiging epektibo at maipapatupad.