Pangulong Duterte, bukas sa muling pakikipag-usap sa rebeldeng grupo

Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang usaping pangkapayapaan sa rebeldeng grupo.

Sa talumpati ngayong ng pangulo sa inagurasyon ng Lisap Bridge sa Bongabong, Oriental Mindoro sinabi nito na saka lamang siya babalik sa usaping pangkapayapaan kung agad na magpapatupad ng ceasefire ang rebeldeng grupo.

Dapat aniyang sabay na magkaroon ng ceasefire ang pamahalaan at ang rebeldeng grupo.

Ayon sa pangulo dapat walang puputok kahit na isang labintador.

Ipinatitigil din muna ng pangulo sa rebeldeng grupo ang pagsasagawa ng extortion o panununog sa mga heavy equipment ng mga negosyante.

Aniya siya na mismo ang magsu-subsidize sa peace talks.

Nakahanda ang pangulo na sagutin ang gastos ng mga rebelde sa hotel, pagkain at iba pa sakaling magkaroon na ng usaping pangkapayapaan.

Dagdag ni Duterte na hindi sila magkalaban ng rebeldeng grupo.

Pabiro pang sinabi ng pangulo na walang forever sa pakikipag-away na para lang aniyang magkasintahan na walang forver.

Read more...