The great dissenter. The maverick. The defender.
Ganito inilarawan ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto si dating Senador Joker Arroyo. Katunayan ayon kay Recto, first class na bayani si Arroyo dahil sa ginawang pakikipaglaban nito sa mga makapangyarihang tao simula pa noong siya’y isang human rights lawyer.
Ayon kay Recto, minsan na ring tinagurian si Arroyo na the scrooge dahil sa pagiging matipid nito sa paggamit ng kanyang pondo.
Para naman kay Sen. Sonny Angara, dapat na magpasalamat ang mga kabataan ngayon kay Arroyo dahil sa pakikipaglaban nito para makamit ang kalayaan ng bansa.
Ayon kay Angara, isa si Arroyo sa pinakamagaling na trial lawyer na kanyang nakilala lalo na noong panahon ng Batas Militar bilang isang human rights lawyer. Sa panig nina Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at JV Ejercito, nakalulungkot ang pagpanaw ng isa sa mga pinaka-magaling na naging bahagi n gating lehislatura.
Pumanaw si Arroyo sa noong October 5 sa edad na walumpu’t walo matapos magkaroon ng kumplikasyon ang ginawang oper heart surgery sa isang ospital sa U.S.