Dating Pangulong GMA naglukuksa sa pagkamatay ni dating Sen. Arroyo

Gloria2
Inquirer file photo

Nagpaabot ng pakikiramay si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa mga mahal sa buhay ng pumanaw na si dating Senador Joker Arroyo.

Sa kanyang statement, sinabi ni congresswoman Arroyo na bagaman hindi sila related o magka-mag-anak, ‘source of immense pride’ aniya para sa kaniya na maka-apelyido si ex-Senator Arroyo na isang human rights lawyer, “overseer” o isa sa mga nanguna sa pagbalik ng demokrasya sa Pilipinas at isang natatanging Mambabatas at public figure.

Sinabi ng dating Presidente na ngayon sa mundong may ‘smaller and meaner leaders’, tiyak aniyang labis na mami-miss ang isang ‘giant of a man’ gaya ni Arroyo.

Maging ang Ako Bicol Partylist ay naglukuksa sa pagkamatay si Arroyo na anila’y isang maituturing na dakilang Bicolano. Ayon kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe, isang mahusay na abogado si Arroyo na matapang na lumaban sa diktadurya kung kailan iilan lamang ang naglakas loob na kwestiyunin ang mga pag-abuso.

Bukod dito, sinabi ni Batocabe na si Arroyo ay isang inspirasyon sa kanilang grupo, at sa hanay ng mga martial law babies na huwag matakot na ipaglaban ang kanilang mga karapatan noong panahon ng Administrasyong Marcos.

Dagdag ni Batocabe, hindi nila malilimutan ang Kongresista mula sa Makati at Senador mula sa Bicol na personal na binubuksan at isinasara ang opisina dahil ayaw mag-hire ng mga staff para raw maitipid ang pondo ng gobyerno.

Read more...