Sakay ng Philippine Airlines flight PR 683, dumating na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaninang alas-10:30 ng umaga ang mga labi ng dalawang overseas Filipino workers (OFWs) na biktima ng hit and run sa Saudi Arabia.
Sinalubong ng mga kamag anak at ni Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Arnel Ignacio sa PAL Cargo Terminal ang bangkay nina Joel Arcenia Banhaon at Mark Agda.
Ibinahagi ni Magdaleno Agda sakay ng bisikleta ang kanyang anak na si Mark at si Banhaon, gabi ng nakaraang Marso 4 sa Al Jubail, Saudi Arabia ng mabangga sila ng isang kotse na minamaneho ng isang 15-anyos na binatilyong Arabo.
Dagdag pa ni Magdaleno, ang dalawa ay kapwa nagta trabaho bilang pipe fitter sa Al-Jubail.
Nabatid na ang mga labi ni Agda ay iuuwi sa kanilang bahay sa Atimonan, Quezon samantalang si Banhaon ay dadalhin sa Pila, Laguna.
Samantala, nangako si Ignacio na agad na ipapalabas ang mga benepisyo at iba pang tulong pinansiyal para sa mga naulila ng dalawang OFW.