Ayon kay Chief Supt. Elpidio Gabriel Jr, Executive Officer ng DPCR, tama lang ang pagpalag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa sa panunala ni Davao City 1st District Rep. Karlo Nograles na payagang makapagpulis ang mga may tattoo.
Ipinunto nya dito na “life saving” strategy ito dahil sa panahon ng bakbakan at kapag nasugatan ang isang pulis na nangangailangan ng blood transfusion o pagsasalin ng dugo ay mas magiging madali lamang ang pagsagip ng buhay dahil may pulis na kwalipikado na mag-donate.
Nabatid kasi na bawal mag-donate ng dugo ang mga pulis na may tatooo.
Sinegundahan naman ito ni Chief Supt. Philip Philps at sinabing mas malinis tignan ang mga pulis na walang tattoo sa katawan.
Kahapon inamin ni Bato na totoo na maituturing na “discriminatory” ang pagsala nila ng mga tao. Iniitsapwera kasi nila ang mga may tattoo sa mga recruitment process.
Gayunman, kanyang nilinaw na hindi nila pinagtatabuyan ang mga ito. Sa katunayan nga anya ay binibigyan pa nila ito ng tyansa basta bumalik lang na malinis at tanggal na ang kanilang tattoo.