Ubos na ang reserbang bigas ng National Food Authority (NFA).
Batay sa ulat na nakalap ng Inquirer, wala nang distribution stock ang NFA. Lumabas din sa nationwide inspection na wala nang NFA rice sa merkado.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaubusan ng NFA rice mula noong 1972.
Noong mga nakalipas na linggo lamang, inanunsyo ng ahensya na pang-dalawang araw na lamang ang stocks nito.
Una nang hinimok ni NFA spokesperson Rex Estoperez ang NFA Council na paagahin ang pag-deliver ng imported rice sa Abril sa halip na sa Hunyo. Bunsod ito ng kawalan ng kakayanan ng ahensya na bumili ng murang palay sa mga magsasaka sa bansa. / Rohanisa Abbas
Excerpt: Lumabas din sa nationwide inspection na wala nang NFA rice sa merkado.
READ NEXT
Higit 1k kabataan, nakilahok sa pagbubukas ng Summer Sports Training and Recreational Program ng PNP
MOST READ
LATEST STORIES