Higit 1k kabataan, nakilahok sa pagbubukas ng Summer Sports Training and Recreational Program ng PNP

Opisyal nang binuksan ngayong araw ang Summer Sports Training and Recreational program ng Philippine National Police.

Target nito ang mga anak ng pulis at iba pang kabataan na maenganyo sa iba’t ibang aktibidad para malayo sa bisyo partikular na sa iligal na droga.

Pahayag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, ginagawa nila ang “traditional approach” dahil naniniwala sila na epektibo ito para na rin maging abala ang mga kabataan.

Bukod kasi sa nakakapaglakas ng katawan ay nade-develop din dito ang kanilang character o pagkatao.

Sa ngayon, aabot na sa 1,100 ang participants ng summer program at open ang registration nito mga pitong taong gulang pataas na kabataan sa Camp Crame.

Available ang taekwondo, judo, boxing, track and field, chess at iba pa.

 

Read more...