Problema sa patuloy na pamemeke ng dokumento ng OFWs, posible pang lumalaki

INQUIRER FILE

Binalaan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang overseas Filipino workers (OFW) na huwag nang magtangka pang mangibang bansa gamit ang mga pekeng papeles.

Ayon kay OWWA Deputy Administrator Arnell Ignacio, isa sa mga problema ng bansa na patuloy na lumalaki ay ang pamemeke ng papeles ng OFWs, partikular na sa Middle East. Aniya, kadalasang nahuhuli rin ang mga may falsified documents, partkular na sa Saudi Arabia, at agad na nakukulong.

Sinabi ni Ignacio na mahigpit ang pagpapatupad ng batas sa Middle East, at mahirap nang idaan sa pakiusapan kapag nahuli ang mga ito.

Mariin ding ipinayo ni Ignacio sa OFWs na huwag nang hamunin ang batas sa pupuntahang bansa at sa halip ay sundin, at respetuhin ito.

Read more...