Pulis na pinagmumulan umano ng droga sa Iloilo City, arestado sa drug buy-bust ops

Timbog ang isang pulis sa buy-bust operation sa Iloilo City.

Kinilala ang suspek na si Police Officer 2 Stephen Magno.

Ayon kay Senior Supt. Kenneth Bermejo, hepe ng Regional Drug Enforcement Unit, nakumpiska ang 35 sachet ng shabu kay Magno.

Ayon naman kay Senior Inspector Mary Grace Borio, matagal nang sangkot sa ilegal na droga ang pulis. Ilang tulak umano ng droga ang itinuturo si Magno na pinagkukuhanan nila ng droga.

Maliban sa kaso ng iligal na droga, mahahaharap din si Magno sa illegal possession of firearms dahil sa paggamit ng hindi lisensyadong baril habang naka-duty.

Read more...