Pumanaw na sa edad na 81 ang kilalang anti-apartheid activist at dating asawa ni Nelson Mandela na si Winnie Madikizela-Mandela.
Sa isang pahayag, sinabi ng pamilya ni Madikizela-Mandela na naging mapayapa ang pagnanaw nito noong Lunes ng hapon habang napapaligiran ng kanyang pamilya.
Pangunahing ipinaglaban ni Madikizela-Mandela ang kanyang pagtutol sa white minority rule. At naging dahilan ito upang siya ay makulong sa loob ng ilang buwan, at ilang taon naman siyang isinailalim sa house arrest.
Dahil sa political activism ni Madikizela-Mandela ay natuldukan ang apartheid sa South Africa noong 1994.
Ngunit taong 1991 nang ma-convict si Madikizela-Mandela para sa kasong kidnapping at assault.
Bagaman hindi ipinaalam ng pamilya kung ano ang naging sakit ni Madikizela-Mandela ay sinabi naman ng mga ito na sa simula pa lamang ng taon ay labas-masok na ito sa ospital.
Sa ngayon ay wala pang detalye tungkol sa memorial at funeral service ni Madikizela-Mandela.