Halagang P192,000 ang ibinayad na pyansa ng bawat isa sa mag-amang Binay.
Nahaharap ang mag-amang Binay ng four counts ng graft at tatlong counts ng falcification na may kaugnayan sa maanomalyang pagpapagawa ng Makati Science High School Building na nagkakahalaga ng P1.3B.
Bukod sa mag-ama dawit din sa kaso ang mga miyembro ng Bids and Awards Committee at ilan pang mga pribadong indibidwal.
Sa information na isinampa ng Ombudsman sa Sandiganbayan, nagsabwatan ang mag-amang Binay at iba pang mga kapwa nito akusado.
Minadali umano ang procurement process, pineke ang bidding documents at itinago ang proyekto sa mga prospective bidders.