Ayon sa Philippine National Police, mula March 23 hanggang April 2 ng alas-12 ng tanghali, sa kabuuang 43 drowning incidents ay 37 ang naitala nilang patay.
Pinakamaraming nasawi sa pagkalunod ang Region 4A o CALABARZON na umabot sa sampu.
Habang sinundan naman ito ng Region 3 na may walong patay.
Anim naman ang namatay dahil sa pagkalunod sa Region 2, 4 sa Region 5, 2 sa Region 11 at tig-1 ang patay sa Region 1, Region 4B, Region 6 at Region 7.
Kaugnay nito, nagpaalala naman ang PNP sa publiko na magbabakasyon at pupunta sa mga beach at resort na patuloy na mag-ingat kung lalangoy lalo na kung hindi sanay.
Sa ngayon, patuloy na nakataas ng alerto ang PNP lalo pa’t naka-vacation mode pa rin ang karamihan.