Album ni Alden Richards nakapasok sa top 10 chart ng Billboard World Albums

maine and alden 2Hindi na mapigilan ang kasikatan ng tinaguriang pambansang Bae na si Alden Richards.

Maliban kasi sa sinusubaybayang tambalan nila ni Maine Mendoza alyas Yaya Dub sa Kalyeserye sa Eat Bulaga, tulo-tuloy din ang pagtangkilik sa bagong album ni Alden kung saan ang kaniyang carrier single ay ang awiting “Wish I May”.

Nakapasok ang album ni Alden sa World Album weekly Top 10 chart ng Billboard.com, na online extension ng isang international music publication na nakabase sa New York City.

Nakasama ni Alden sa listahan ang album ng multi-national K-pop boy group na GOT at album ng Korean boy band na iKON.

Kasama ni Alden sa listahan ang extended play album na Mad ng multi-national K-pop boy group na GOT7, ang Welcome Back (EP): Debut Half Album ng Korean boy band na iKON, album ng Irish singing group na Celtic Thunder, ang album ng Swedish rock band na Dungen, at marami pang iba.

Magugunitang kamakailan, iginawad ang Gold record award sa 2013 album ni Alden.

Naiyak pa si Alden dahil sa loob ng dalawang taon ay biglang nag gold record ang una niyang album.

Noong Setyembre naman, nag-top 1 spot sa iTunes Philippines ang awit na “Wish I May” na madalas na i-dub smash ni Alden at Yaya Dub sa Kalyeserye.

Read more...