Ang tinutukoy ni Gatchalian ay ang napagkasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
Sinabi ng senador mas maraming OFWs ang mapo-protektahan laban sa mga anti-labor practices at pang-aabuso sa ibang bansa kung saan walang sapat na garantiya para sa mga banyagang manggagawa.
Banggit pa ng senador, nakasaad sa Migrant Workers Act of 1995, na ang mga OFWs ay dapat ipinapadala lang sa mga bansa kung saan ang kanilang mga karapatan ay protektado ng mga batas o kasunduan.
Idinagdag pa ni Gatchalian na ang mga bansa na ayaw makipagkasundo sa Pilipinas ay walang karapatan na mapakinabangan ang husay at dedikasyon ng mga manggagawang Filipino.