WATCH: Mga tagasuporta ni dating Sen. Bongbong Marcos maagang nagtipon sa Korte Suprema

Kuha ni Richard Garcia

Sa pagsisimula ng recount ngayong araw, maagang nagtipun-tipon sa harap ng Korte Suprema ang mga tagasuporta ni dating Senador Bongbong Marcos.

Pawang nakasuot ng kulay pula ang mga tagasuporta ng dating senador na nagsagawa ng programa sa Padre Faura Street sa Maynila.

Suportado din si Marcos ng kaniyang kapatid na si Gov. Imee Marcos na dumating din sa Korte Suprema na nagsisilbi ring Presidential Electoral Tribunal (PET).

Sa panig ni Atty. George Garcia, abugado ni Marcos, dahil tyempo sa Easter sinabi niyang umaasa sila para sa pinakamainam na resulta ng recount.

Personal na sinaksihan ni Marcos ang pag-uumpisa ng recount sa mga balotang kaniyang kinukwestyon.


 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...