Patuloy na pinaghahandaan ng Philippine National Police ang nalalapit na Baranggay at Sangguniang Kabataang Elections sa Mayo.
Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, bukod walang humpay na anti-drug operations, ay ongoing ang paglalatag nila ng seguridad para matiyak na magiging mapayapa ang eleksyon.
Partikular aniya na magiging abala dito ang Directorate for Operations ng PNP na syang nakikipag-ugnayan sa tanggapan ng Commission on Elections o COMELEC.
Dagdag pa ni Bato, wala naman syang nakikitang problema sa kanilang paghahanda dahil wala namang nagbago sa kanilang template at lahat ay “dekahon” na.
Nabatid na magkakaroon ng coordinating meeting ang PNP at COMELEC ngayong linggo.
Sa kabila naman ng paghahanda, tiniyak naman ng PNP na magiging “non-partisan” sila.