Larawan ng baby boy ni Saab Magalona, ibinahagi na sa social media

IG Photo

Ibinahagi na sa social media ni Saab Magalona ang larawan ng kanilang anak na babae.

Sa kaniyang Instagram, ipinost ni Saab ang picture ng kaniyang baby boy na mayroong caption na “Pancho Gerardo: coming home soon.”

Nangangahulugan itong bumuti na ang kondisyon ng baby ni Saab at Jim Bacarro na mula pa nang isilang noong February 8 ay nasa NICU na.

Sa ikalawang larawan naman, makikita ang baby boy na nakangiti.

Noong nakaraang buwan, ibinahagi ni Saab sa publiko ang pagkasawi ng isa sa kaniyang kambal.

Ang kaniyang baby girl na pinangalang Luna Isabel ay hindi naka-recover matapos niyang mailuwal.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...