Ayon kay Supt. Bernard Tayong, ng North Cotabato police, kapwa nagtamo ng matinding sugat sa katawan si Nestor Lambid Nuñez, 58 anyos at asawa niyang si Jovy, 54 anyos.
Sa ngayon, kritikal ang kondisyon ng dalawa sa ospital makaraang masabugan ng granada na inihagis ng isang lalaki.
Naghahapunan umano ang dalawa nang biglang bulabugin ng malakas na pagsabog sa kanilang compound.
Dalawang grenade lever ang natagpuan sa lugar ng mga rumespondeng otoridad.
Isang kapitbahay naman ng mag-asawa ang itinuturing ngayong person of interest ng mga pulis.
READ NEXT
Google, binigyang pagkilala ang Pilipinong makata na si Francisco Balagtas sa kaniyang kaarawan
MOST READ
LATEST STORIES