Alab Pilipinas wagi sa Game 1 ng ABL quarterfinals

ABL Photo

Maganda ang simula ng playoffs para sa Alab Pilipinas.

Ito ay matapos nilang manalo kontra Saigon Heat para sa quarterfinals ng ASEAN Basketball League (ABL) na ginanap sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Natapos ang laro sa iskor na 110-100 pabor sa koponan ng Pilipinas.

Pinangunahan ni Bobby Ray Parks ang Alab matapos nitong magtala ng 24 points. Tumulong rin si Justin Brownlee na nakapagbigay naman ng 22 puntos.

Ayon kay Brownlee, hindi naging madali ang laban nila sa Saigon. Aniya, na-challenge sila sa gameplay ng Saigon na pinangunahan ni Maxie Esho na nakapagbigay ng 42 para sa koponan.

Magaganap naman ang Game 2 ng best-of-3 series sa Sabado, April 7 sa CIS Arena sa Saigon.

Read more...