Kabubukas pa lamang ng Abril ngunit magkakaroon na naman ng panibagong paggalaw sa halaga ng mga produktong petrolyo sa merkado.
Sa anunsyo ng Department of Energy (DOE) maglalaro sa P0.90 hanggang P1 ang itataas sa halaga ng bawat litro ng diesel, maging sa kerosene o gaas.
Mula P0.80 hanggang P0.90 naman ang madadagdag sa presyo ng bawat litro ng gasolina.
Maging ang halaga ng liquefied petroleum gas (LPG) ay magkakaroon din ng dagdag-singil.
Sa anunsyo ng Petron, epektibo ngayong araw, April 1 ay magkakaroon ng P0.25 dagdag-presyo para sa bawat kilo ng LPG. P0.15 naman ang itataas sa bawat litro ng kanilang AutoLPG.
Ayon sa Petron, kaugnay ng paggalaw ng presyo ng LPG sa pandaigdigang merkado kaya nagkaroon din sila ng price adjustment para sa buwan ng Abril.