Kumpyansa ang abogado ni Vice President Leni Robredo na papabor sa kanila ang magiging resulta ng isasagawang manual recount sa mga balota ng 2016 elections.
Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Romulo Macalintal na wala silang dapat ikatakot sa kalalabasan ng recount dahil si Robredo naman talaga aniya ang nanalo sa nakaraang eleksyon.
Ani Macalintal, sa pamamagitan ng recount ay mapapatunayang walang basehan at katotohanan ang mga akusasyong ibinabato kay Robredo ni dating senador Bongbong Marcos.
Nakatakdang simulan ng Supreme Court na tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) bukas, April 2 ang muling pagbibilang ng mga balota sa 5,418 clustered precincts sa Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental.
Sa unang araw ay unang bibilangin ang 1,400 na mga balota mula Camarines Sur.