Senior citizen patay sa pamamaril sa Ilocos Norte

Nanonood lamang ng telebisyon sa loob ng kanyang bahay ang isang babaeng senior citizen nang ito ay barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Vintar, Ilocos Norte.

Kinilala ang biktimang si Cecilia Gamioa, 77 taong gulang.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, pinaghihinalaan umanong isang mangkukulam si Gamioa. Inaalam pa ng mga pulis kung ito ba ang rason sa pamamaslang.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang ilang mga basyo ng 12-gauge shotgun.

Read more...