Mga biktima ng panibagong ISIS attack sa France, binigyang pugay sa isang misa

COURTESY: AP

Daan-daang mga nakikiramay ang nagsama-sama sa Saint-Etienne Church sa Trebes, France upang alaalahanin ang mga biktima ng panibagong ISIS attack sa nasabing bansa.

Kabilang sa mga naki-isa ang ilang mga miyembro ng Muslim community dahil apat sa kanilang hanay ang napatay, at tatlo naman ang nasugatan dahil sa pag-atake.

Sa misang pinangunahan ni Bishop of Carcassonne and Narbonne Alain Planet, sinabi nito na hindi kailanman magwawagi ang kasamaan.

Magsasagawa naman ng national tribute para sa mga biktima sa Beltrame, ngunit hindi pa batid kung kailan ito gaganapin.

Kabilang sa mga inalalang biktima si Lieutenant-Colonel Arnaud Beltrame na pinagbabaril at pinagsasaksak ng ISIS attacker na si Radouane Lakdim matapos nitong mag-boluntaryong makipagpalit sa isang babaeng ginagamit bilang human shield.

Ayon kay French President Emmanuel Macron, namatay na isang bayani si Beltrame at kailangang bigyang pugay at respeto ng buong France.

Read more...