Patrick McCaw ng Golden State Warriors na-injure sa laban

Courtesy: AP

Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ngayon ng Golden State Warriors matapos nilang manalo sa kanilang laban kontra sa Sacramento Kings.

Ito ay dahil isinugod naman sa ospital ang kanilang point guard na si Patrick McCaw matapos ang isang unintentional undercut na nagawa ni Vince Carter ng Kings, na nagresulta sa pagbagsak at injury ni McCaw.

Isinugod sa UC Davis Medical Center si McCaw matapos ang insidente.

Sa pagpapatuloy ng laban, nanguna para sa pagkapanalo ng Warriors si Kevin Durant na nakapagtala ng 27 puntos, 10 rebounds, at 5 assists. Sinundan naman siya ni Klay Thompson na nakapagbigay naman ng 25 points.

Natapos ang laro sa iskor na 112-96, pabor sa Golden State.

Read more...