2 miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Misamis Oriental

Credit: Google

Patay ang dalawang gunmen ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army matapos ang makipagbakbakan kontra sa tropa ng pamahalaan sa pagitan ng Misamis Oriental at Bukidnon.

Sumiklab ang unang sagupaan ng mga sundalo ng 403rd Brigade at mga rebelde sa bahagi ng Barangay Minalwang at Claveria sa Misamis Oriental noong Biyernes Santo ng hapon.

Bunsod nito, namatay ang isang NPA member at narekober ang isang bandoleer na may apat na magazine, mga bala ng M16, M14 at AK-47 rifles; 20 metrong kawad na gamit sa improvised explosive devices (IEDs), ilang dokumento at mga personal na gamit.

Samantala, isa pang miyembro ng naturang rebelde grupo ang namatay matapos ang panibagong bakbakan Sabado ng hapon.

Nakuha sa rebelde ang isang M16 at M1 Garand rifle.

Ayon sa militar, sugatan din ang ilan pang miyembro ng NPA batay sa mga nakitang dugo sa tinahak na ruta ng mga tumakas na rebelde.

Nagparating naman ng pakikiramay si 403rd Infantry Brigade commander Brigadier General Eric Vinoya sa mga napatay sa rebelde.

Read more...