Taunang “Buhing Kabyaryo” sa Cebu, dinagsa ng publiko

CDN Photo

Dinagsa ng mga tao ang taunang “Buhing Kalbaryo” play sa Cebu City ngayong Biyernes Santo, March 30, 2018.

Sa pagtaya ng San Nicolas police Station sa Cebu City, umabot sa 2,000 kaao ang nagtipon-tipon sa pagsisimula ng aktibidad alas 10:00 ng umaga.

Nagtalaga naman ng sapat na bilang ng mga tauhan ang nasabing istasyon ng pulisya para magpanatili ng peace and order sa lugar.

Ang Buhing Kalbaryo na ginanap sa San Nicolas Parish Church ay pagpapakita ng huling mga araw ni Hesukristo bago ang kaniyang pagkamata sa kalbaryo.

Ang play ay kinabibilangan ng mga performers at production members mula sa iba’t ibang barangay ng Cebu City.

 

 

 

 

 

 

Read more...