Nababawasan na ang naitatalang pasahero ng Philippine Coast Guard sa mga pantalan sa bansa.
Sa monitoring ng Coast Guard sa pagpapatuloy ng kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2018, mula alas 12:00 ng hantinggabi hanggang alas 6:00 ng umaga ng Biyernes, March 30, umabot na lang sa mahigit 7,000 ang naitalang pasahero sa mga pantalan.
Pinakamaraming naitalang outbound passengers ngayong Biyernes Santo sa mga pantalan sa Central Visayas na umabot sa 2,277.
Sinundan naman ito ng Western Visayas na nakapagtala ng 1,196 na pasahero at Northern Mindanao na mayroong naitalang 1,088 na pasahero, at ang Southern Visayas na mayroong 1,070 na pasahero.
Ayon sa Coast Guard sa pangkalahatan ay mapayapa ang sitwasyon sa lahat ng pantalan sa bansa at walang naitatalang unusual o untoeard incidents ngayong Semana Santa.