Tatlong magkakasunod na pagyanig naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng tatlong magkakasunod na pagyanig ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental ngayong araw ng Biyernes, March 30, 2018.

Sa datos ng Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.5 na lindol alas 3:59 ng madaling araw sa 178 kilometers South ng Sarangani.

May lalim na 2 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Sinundan ito ng magnitude 3.3 na lindol sa 186 kilometers South sa bayan pa rin ng Sarangani.

Naganap naman ang ikalawang lindol alas 4:47 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs ang pangalawang pagyanig ay may lalim na 119 kilometers at tectonic din ang origin.

Samantala, ang ikatlong lindol ay naitala ng Phivolcs alas 5:15 ng umaga.

Mayroon namang magnitude na 3.7 ang ikatlong pagyanig at ang epicenter ay naitala sa 420 kilometers South ng Sarangani.

Tectonic din ang origin ng lindol at 17 kilometers naman ang lalim.

Ayon sa Phivolcs, hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang tatlong magkakasunod na lindol.

 

 

 

 

 

Read more...