5 arestado, mga gamit sa blast fishing nasabat sa Bataan

PCG Photo

Naaresto ng mga tauhan Philippine Coast Guard sa Limay Bataan ang limang katao matapos makuhaan ng mga pampasabog na ginagamit sa illegal na pangingisda.

Kinilala ang mga naaresto na sina:
• Analyn Leola San Miguel, 37 taong gulang
• Oliver San Miguel, 35 taong gulang
• Arthur Paguio, 44 na taog gulang
• Teresita Macapagal, 66 na taong gulang
• Marife Dela Cruz, 24 na taong gulang

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Coast Guard Station Bataan, Coast Guard Intelligence Force, Coast Guard K9 force, Coast Guard Special Operation Force, Coast Guard Legal Service at mga Student-Lawyers mula sa Coast Guard Education and Training Command.

Nasabat mula sa limang naaresto ang mga improvised na pampasabog, amonium nitrate, time fuse, at blasting caps.

Ang limang dinakip ay pinaniniwalaang sangkot sa paggawa at pagtatago ng mga pampasabog.

Nasa ilalim pa ng kostodiya ng PCG ang lima habang inihahanda pa ang kaso na isasampa laban sa knila.

 

 

 

 

 

Read more...