4 sugatan sa aksidente sa Cagayan De Oro City

Nasugatan ang apat na katao kabilang ang tatlong bata matapos maaksidente ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Cagayan De Oro City.

Naganap ang aksidente Huwebes ng madaling araw sa Barangay Mambuaya.

Hindi pa nakikilala ang mga nasugatang biktima pero tatlo sa mga ito ay pawang bata at nasa kritikal na kondisyon.

Kasalukuyan silang ginagamot sa Northern Mindanao Medical Center.

Ayon sa inisyal na ulat, minamaneho ng isa sa mga biktima ang motorsiklo sakay ang tatlong bata patungong Cagayan de Oro.

Nagulat na lamang ang mga saksi nang bigla itong bumangga sa lupa na nakatambak sa daan at saka sinalpok ang isang nakaparadang multicab sa kalsada.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naganap na aksidente.

 

 

 

Read more...