PNR isinailalim na din sa maintenance

DOTr Photo

Inumpisahan na rin ang maintenance sa mga tren ng Philippine National Railways (PNR).

Maliban sa mga tren, kabilang din sa isasailalim sa pagkukumpuni at pagsasaayos habang walang biyahe ang tren ngayong Semana Santa ay ang mga riles nito.

Ayon sa PNR, nakatakdang palitan ang rail tracks at railway sleeper ng tren sa kahabaan ng Manila division sa pagitan ng Calamba at Tutuban stations.

Wala ring biyahe ang PNR ngayong Holy Week at muling babalik sa normal ang operasyon sa Easter nSunday, April 2, 2018.

Magugunitang noong nakaraang linggo, dalawang magkasunod na aberya ang naranasan ng mga pasahero sa biyahe ng PNR.

 

 

 

 

Read more...